Nakakabadtrip ang experience ko noong Dec. 30. 2011, 3pm, sa DLTB 418 na byaheng Lucena.. tumirik sa SLEX sa may Asia Pacific College bago dumating ng Magallanes. Ilang minuto pa lang nakaalis sa Buendia Terminal, sablay na agad. Tagal namin naka-tengga sa Shell Station, sabi ng driver at konduktor nagtext na raw sila sa terminal nagrequest na raw sila ng replacement bus.. sitting capacity na yung 418 at may 4 na nakatayo.. bayad na rin kami... pero walang dumating na replacement bus, instead, isinakay nila unti-unti ang mga pasahero sa dumaang bus nila na puno na rin (427 at 505) dahil ayaw daw mag-dispatch sa Buendia ng replacement bus.. tiis tiis daw muna kami tumayo.. nakatayo ako sa 505 hanggang San Pablo! badtrip! Siksikan na nga kami sa loob ng 505 na 'yun, nakuha pa ng driver na pumick-up ng pasahero along the way from Turbina! a worst year end experience with Del Monte Land Transport Bus Comapny (DLTB).. what the heck!!!
Kung nakita lang sana ng mga bosing ng DLTB ang hirap na dinanas namin sa kamay ng mga inutil nyong empleyado.. nakakaawa ang mga pasahero,,lalo na yung mga matatandang may dala-dalang bagahe.. grabeng parusa dinanas namin sa pagsakay sa inyo! Tapos yung konduktor nyo sa 418 ay may pagka-arogante at bastos, matapos makuha yung ticket namin eh hindi mo makausap ng maayos, iwas ng iwas sa mga pasahero.. at noong isakay kami sa dalawang kasunod na byaheng Lucena (427 at 505), ang sabi pa eh magtayaga daw muna kami tumayo.. ganun daw talaga... so arrogant!!! kaya umani sya ng katakot-takot na mura mula sa mga pasaher..1 hour and 45 minutes of waiting, plus more hours of standing while travelling isn't justifiable..
To the company, review your policy with regards to this kind of situation.. i suggest you better fire those incompetent personnel/s who are not in proper disposition during that time in making a sound decision, specially the dispatcher/operations manager on-duty that day in your Buendia Terminal.. You should have cared enough for your passengers since we are your bread and butter..
Noong lumabas ang DLTB, sa kanila na lagi kami sumasakay, in hope na they will be like that of the then BLTB na tinangkilik ng mga tao dahil sa asikaso at concern sa pasahero.. pero mukhang iba yata style ng company na ito, hindi public servcice.. profit from public yata lamang ang concern nila.. I am a regular Lucena weekly passenger,and sad to say, I might shift back to JAC Liner again..
so Mister, how much na po yong fare to lucena?
ReplyDeletearound PhP 220.00 from Cubao
Delete