Last July 3, 2009, isang taon na palang wala si lolo Ben, kaya ayun, whether I like it or not, I have to go to Gumaca, Quezon to attend the traditional "babang luksa". Thanks sa generosity ni Kagawad Joel Bacolod dahil ipinagamit nya sa akin ang Crosswind na service sana nya for that day. Nakakatuwa dahil nakasama si Bryan Balanon (lagi naman... hehehe...) pati si Vicente!!! (bahal kayo kung sino si Vicente!!!). At 5am nasa Camarin-Kiko na kami to pick-up my brother Jay-R, sabay daw sya sa amin para makatipid ng pamasahe. Around 8:30am na kami nakarating sa Taguan. Ayun, kain muna ng almusal.. tinola at pritong tambakol courtesy of Tita Nene. Tapos byahe na uli papuntang Gumaca, Quezon. Sumama rin pala si Meanne at tita Bunso. Saya ng byahe namin. Kulit ba naman ng mga kasama. Enjoy sila dahil idinaan ko sila sa 'Old Zigzag Road" sa Atimonan, Quezon where they saw Quezon National Forest Park. Enjoy sa magagandang view at zigzag road ang mga bata. Around 12noon na kami nakarating sa Gumaca, tamang-tama, eksaktong lunch na. Tapos, inom naman ng lambanog courtesy of my tiyo and pinsan na manginginom doon. 2pm we decided to go back to Taguan... dropby muna kami sa sementeryo to visit lolo Ben. Sumabay na rin sa amin si Lola Para. Ayun, on the way back eh dumaan uli kami sa Quezon National Forest Park where we stopped for a while at the Atimonan Tourist Reception Area... We chanced upon the Mayor of the town, Mayor Jose Mendoza. Ang bait ni Mayor at very accomodating. We were fascinated by the on-going construction of the image of the Our Lady of the Most Holy Rosary (town patron) in mountainside. 6pm na kami nakarating sa Taguan. Relx-relax then after dinner, around 8:30pm, byahe na uli papuntang Bagong Silang. 12midnight na kami nakarating. Hehehe...
(To see the pictures sa trip na 'to, please click and view it in my Friendster Account. Thanks)
(To see the pictures sa trip na 'to, please click and view it in my Friendster Account. Thanks)
No comments:
Post a Comment